Ang aking haligi.
penny February 23rd, 2010
Ako’y masaya dahil ika’y paparito muli dahil sa walang sawa mong pag-una ng iyong sarili para sa aking kapanan. Dahil sa aking galak, gusto kong ipabatid dito sa blog ang aking pasasalamat sa iyo, aking asawa.
Bakit kailangan pang bilangin ang taon ng kasal? Simula’t sapul pa lamang, pinagtagpo tayo’t pinagtibay ng mahigit dekada na. Itong maikling video na ginawa ko noong 2008 noong una mo akong dinalaw sa dayuhang bansa, nais kong ipakita sa madla noong dinamdam ko ang iyong pag-alis para bumalik sa trabaho. Ginawa ko ito para maibsan ang pait ng pagkakalayo.
Kung magbibilang na rin lang, ilatag na ang lahat. Labinlimang taon na ang lumipas nang una tayong nagkakilala. Labintatlong magnobyo. Nagpakasal kamakailan lamang, bilang pagpugay sa samahang walang hangganan.
Salamat sa bawat sandali, mahal ko. At salamat sa maraming darating pa.
Ang iyong nagmamahal na asawa.
- Day to day
- Comments(0)









