Havaianas vs. Spartan

AJ Jorge May 7th, 2008

Sobrang natawa lang ako dito sa forwarded email na ito. Swak na swak sa masang Pinoy!

Pangalan: Havaianas
Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil
Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)
Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).
Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, “Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.”)
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging ‘fashionable’ ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy
Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!
Mahal!

Pangalan: Spartan
Spartan Tsinelas
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines
Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing ’shield’ kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis ‘cube,’ e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.
Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas

5 Responses to “Havaianas vs. Spartan”

  1. pennyon 07 May 2008 at 7:40 pm

    spartan! dapat may mag-business nyan dito sa sydney eh. pero yung hindi tatagain naman sa presyo. baka magsingpresyo na yung spartan tsaka havaianas e.

    pag nagbebenta naman mga pinoy stores dito ang mahal mahal ng merchandise. siguro malaki tax na binabayad nila. gustung gusto ko pa naman ng skyflakes.

  2. Celon 10 May 2008 at 5:11 pm

    In fairness naman, hindi bumabaho ang goma ng Havaianas. Kaya kahit Mahalia Fuentes sha, bumili kami ni Ric pero gamit lang namin sa house. Kasi nga, tsinelas lang sha noh. Hindi namin ginagamit outside ng bahay unless nasa beach, hehehe.

  3. on 14 May 2008 at 3:32 am

    ROFLMAO… this left me in stitches. :)

  4. penon 16 May 2008 at 1:31 pm

    Pambahay lang? Syempre national shoe yang havaianas ng uni students. maski madusing na yung kulay (alam mong white pero nangitim na sa libag hehe) suot pa din. maski law student. wehehe.

    may itim-itim din yan sa kuko ha.

  5. Zon 19 May 2008 at 9:06 am

    Hahahahaha! nice one!

    meron akong isang havaianas kaso lang ibinigay lang ng pinsan ko sa…don’t get me wrong ha….i can buy havies (nickname ni havaianas) pero ang mahal…tapos tsinelas lang!

    merong mga imitation…bumili ako…dahil tag 30 PHP lang…tapos mukhang havaianas na! kaso lang…yung print/design madaling ma-erase…..bwahahahahaha

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply