Ugaling may pag-asa.
penny November 16th, 2007
Andami pa ding nagugutom na Pilipino. Gasgas na plaka kakasabi nito. Pero ano nga ba ginagawa ng mga lider natin sa Pilipinas tungkol dito? Sad and enraged… Jose Ma. Montelibano writes…
I’d like to know what our leaders are doing about poverty, about hunger — the president, the CEO, the bishop. I like to know how they can encourage our children to dream, to pursue their ambitions, to live out their greater destinies.
… In the depths of my own disappointment and impatient, I have time and again been lifted by a few heroes among us. Some work in government, some lead corporations, and some have red caps and the ring of Peter. Though not nearly enough in number to reverse the evil that dominates the landscape of our lives, they remind us that there is hope. All we have to do is be like them.
—- Jose Ma. Montelibano, INQUIRER.net Last updated 02:05am (Mla time) 11/16/2007
Pinoy ako, at iisipin ko pa din na may pag-asa, nang dahil sa mayroong pa ding nananatili na kabutihan sa ilan. Sana dumami pa ang tulad nila. Malaking bagay kung ikakalat natin ang ugali na nagpapalaganap ng PAG-ASA, kaysa puro negatibo [maski ako ay 'guilty' dito] at reklamo na lang. Lunukin na lang ang negatibo, subukang gawing positibo. Kung nahihirapan pigilan, magreklamo lang ng isang beses. Tapos tama na. Wag nang tuluyang apak-apakan pa. Kawawa na nga Pinas, tatadyakan mo pa.
Isang layunin na umahon, na may positibong ugali. Kung ang bawat isa sa atin ay may iisang layunin na iangat ang ating mga sarili mula sa hukay ng hikahos, makakaahon din tayo. Tunog ‘self-righteous’? Inaamin ko naman na ‘apathetic’ na ako kadalasan pagdating sa problema ng Pilipinas. Mahirap magbago. Pero sa tingin ko, mahalagang ibahin natin ang ugali natin patungkol sa bansa natin. Ang kagandahan naman sa situasyon na ito, ay nasa ‘nature’ naman ng Pinoy ang maging positibo. Kelangan lang buhayin ang ugaling ito, at panatilihin. Naisilid lang ng husto ang ugaling ito dala ng bugnot ng mga masasamang balita. Isang pang challenge sa atin pati ang pananatili ng ugaling may pag-asa maski na makakita ng mga masamang balita sa Pinoy news. Labanan lang natin ang ‘urge’ na magreklamo. Ipakita na lang natin suporta sa isa’t isa kesa maghanap pa ng sisisihin.
Maski sino ka man, nasaan ka man, kung ikaw ay Pinoy, dala mo ang bandila ng bansa, gustuhin mo man o hindi. Kaya kung paano mo sagutin ang mga tanong tungkol sa Pilipinas, dun nila makikita ang klase ng tao at bansa meron tayo. Meron pa din bang ‘Love of Country’ sa report card ngayon ng mga mag-aaral sa Pinas? Hehe, hindi ko alam kung tama na sinusukat ang mga values sa report card, pero ibang usapan na yun. Mareklamo man ako tungkol sa pagka-mapulitika ng mga ‘lider’ natin, di ko pa rin maalis sa akin ang pag-ibig sa Pilipinas. Our recent history sucks, and maybe so does the not-so-recent history but then again that’s another story. Nagagalit ako kapag binabastos tayo. Sure, the balut is revolting, but when someone continues on to say that “Asians are disgusting because of their food, ergo, Pinoys are disgusting too” I would not let them get away with that without a “You don’t shower enough so you stink like wet socks” retort. Let alone if a fellow Pinoy tramples on their own kind!? Sino pa ang magtutulungan kung di tayo-tayo din?
- thoughts
- Comments(1)










hinalukay ko pa itong email circulating about a korean writing about the philippines.
long read but worth it.
full essay here