MRT Stored Value Ticket Kaput
AJ Jorge February 9th, 2007
Nakakaasar na itong MRT. Ilang linggo nang walang Stored Value Ticket (SVT). Iyung dalawang 100peso ko na mrt card, pareho nang ubos. Ngayon kailangan ko nang pumila para makabiyahe sa tren. Eh san naman kaya napupunta ang sangkaterbang MRT cards? Sino ba namang sira-ulo ang mangongolekta ng mga mrt cards?
Ang asar dito, dalawang mahabang pila na ang bubunuin mo para makasakay sa MRT. Lalo na dun sa Ayala Station. Sobrang dami ng tao. Pipila ka para bumili ng tiket tapos pipila ka uli para makapasok sa mismong station.

Apat na nga na stations ang nadadaanan ko araw-araw. Sa umaga, ang ruta ko ay Q.Ave station baba ng Buendia. Sa gabi naman ay Ayala station baba ng Cubao. Sa apat na iyon, lagi na lang nakapaskil sa windows nila na “Stored Value Tickets not available”. Di bale kung isang araw lang. Halos magdadalawang linggo nang walang supply. Anong conspiracy ang nangyayari dito? Sobrang perwisyo na ang ginagawa nila.
Sana lang pagnag-issue na uli sila ng tikets, hindi na si erap o si gma ang asa larawan.
- Day to day
- Comments(5)










Di lang marunong mag-optimise ng card supply yang mga yan. Kasimple-simpleng ekonomiks eh. At higit pa riyan, ibig sabihin pa nun yung utak na kelangan sana sa maayos na pagplano ng serbisyo e nonexistent talaga sa gobyerno.
Tapos magiging senador at kongresista puro pa mga artista.
At dito na pumapasok ang G-Pass!
ano yung Gpass?
pakulo ng Globe. parang malaking piso na i-papatong mo sa sensor para makapasok ka sa mrt.
Glorified stored value ticket. hehe
ayus ah. pa-cute na naman ang Globe hehe