Pagkain ng bachelorette.

February 6th, 2007

Warning: katulad ng dati, nagkokronikel na naman ako dito ng mga walang sense na mga bagay. Kwento lang tungkol sa buhay-buhay. Simula muna sa pagkain.

Hindi ako laging nakakapagluto, dala ng walang oras at minsan naman ay tinatamad lang talaga. Kaya madalas kong iniisip “Anong kakainin ko mamayang gabi?” May mga ilang pagkakataon naman na kumakain kami ng grupo sa labas. Pero syempre nakakasawa rin ng labas ng labas. Paminsan-minsan ay masarap lang umuwi sa bahay at magrelax, kumain ng simple at matulog =)

Kanin
Di nawawala sa diet ng Asyano ang kanin. Kaso may mali sa mga serving nila sa isang cafetria. Yung ratio ng kanin at ulam, baligtad! (Nakita ko na din ito sa ibang indian resto dito) Nakakasundo ko itong kaibigan kong Indian, na nagrereklamo kapag umaapaw ang curry sauce nya sa kanin. Anhirap nga naman kainin ang maanghang na curry kapag lumalangoy ito sa kanin! Sa susunod, kelangan magbaon ako ng kanin para lang kumain ng curry doon.

Curry meal with rice : 6-9 dollars

Bukod sa Indian places, ang ibang mga pwedeng makainan ng kanin ay sa ilang mga Chinese, Thai and Indonesian restaurants. And so far, may nahanap na ako na favorite places! Nadala ko ang pinsan ni Ajay na si Nandy dun sa Chinese place. Di pwedeng kumain mag-isa, andami ng serving eh. Tsaka sayang yung unlimited rice kung ako lang.

Whole chicken na nilasing sa masarap na suka, sili at bawang : 12 dollars

Wala pa akong nakitang Pinoy resto. Ok sana para mapatikim ko ng masarap ang mga nonPinoys dito ano? I will strive to look for it when I have time. Otherwise, kelangan kong magluto!!! Ayan ang kinakatakot ko dahil kulang ako sa practice. Marunong ako magluto, pero di ako confident sa kinakalabasan. Ako syempre makakain ko niluto ko. Kakahiya naman sa iba kung hindi masarap di ba?

Meron na akong nahanap na 2 Pinoy groceries! Nakabili nga ako ng Ligo sardines, skyflakes, cup keyk atsaka mga Mama Sita seasoning.

Noodles
Di ako mahilig sa noodles. Hindi talaga. Nakakain ko yung instant pancit canton ng lucky me tsaka yung payless mami. Pero hindi talaga ko mahilig.

Dito ko lang natikman yung Laksa. Masarap sya. Maanghang na parang curry. Noodle soup. May meat of choice either chicken, beef or lamb or… whatever.. shrimp, etc. Anlaking bowl di ko kayang ubusin.

Chicken laksa : 5-6 dollars

Vegetables
Ayun nga! Naikuwento ko na minsan sa isang comment dito na napapakain na ko madalas ng maraming gulay. Sa mga gabi na nakakatamad, steamed veggies lang solb na! Kaso may catch: nasasanay na din ako magtak-tak ng asin at paminta. Ok lang siguro yung paminta, pero asin, masama di ba? Ansarap kasi, lalo sa patatas. Ang hindi ko natagalan ay ang magprepare ng cold salad. Nuong una enjoy kasi madali lang at masarap. Kaso anlaking hassle at hindi naman ako nabubusog sa dahon lang ng repolyo at spinach. Sa katagalan eh mas prefer ko na pasta-salad. Mas may sense kainin kasi mas satisfied ang pakiramdam pagkakain =) At sa dressing, nuong una, syempre Pinoy, thousand island! Haha. Pero pag madalas eh nakakasakit ng ulo. Tama nga itong kaibigan kong Italyano, mas ok ang salad kung light. Vinegar lang or just tomatoes and some basil to boost flavor. Pag nilagyan ng any kind of cream, pakana daw yun ng mga German.

Potatoes per kilo : 4-5 dollars

Sandwiches
Isa pang natututunan ko ngayon eh ang pagkain madalas ng sandwich. Kanina lang eh baon ko eh dalawang turkey leg sandwich. Maski anong available sa fridge na pwedeng isiksik nilalagay ko! Pero ang isang laging dapat meron: jalapeno. Adik na ko dyan. At isa pa pala ay ang pagkain ng avocado na hindi matamis. Sa tacos, salad, sandwich. Ako naman eh tinuturuan ko sila dito kainin yung avocado ng matamis hehe.

Dahil relatively mura ang presyo ng subs sa Subway dito, isa yan sa roster ng kinakain ko. Dati eh hindi ako sanay na kumain ng walang kanin. Pero payo nga sa akin ni itay, eh sanayin ko na ang dila ko sa kung anuman ang cuisine sa paligid mo.

Roast beef sub with everything on it (except onions please) : 4.50 dollars

Inumin
Ilang beses ko na yatang nabanggit dito na ibang klase ang drinking habits ng mga tao dito. Tanghaling tapat eh may wine. Mag-meeting lang ng sandali eh may wine din. Ang mabuti na lang eh ang mga tao sa paligid ko eh nasa katinuan pa naman maski na umiinom ng alak. Pero sa kalye ng mga siyudad wag ka, may mga lasing na makukulit lalu na pag gabi. Ingat lang, maski saan.

So mejo natututo na rin ako na uminom-inom, pero hindi pa din ako sasagot ng “Yes” kapag tinanong ako ng “Do you drink?” Di ko pa din gusto ang lasa ng beer. Di pa nga ako nakainom ng beer dito. Pero madalas ko i-advertise ang San Miguel. Hehe. Kako, tikman nila ang Pinoy beer. Dapat yata suwelduhan ako ng SMB.

Nahihilig ako ngayon sa cordial. Para syang juice concentrate, yun bang hinahaluan ng tubig. Sa utak ko eh ‘flavored water’ sya, kaya isang paraan ito na naloloko ko ang sarili ko para makainom ng sapat na tubig araw-araw. Nitong weekend bumili ako nung raspberry. Kaninang umaga, napansin ko na parang lampas ata ang paglagay ko ng lip tint. Ayun pala eh bumabakat sa bibig ko yung baso sa pag-inom ko ng raspberry cordial.

5 Responses to “Pagkain ng bachelorette.”

  1. AJon 06 Feb 2007 at 6:42 pm

    parang walang pinagkaiba nung asa UP Lin House ka. hehe

    Basta inom lang ng inom ng tubig. Mahirap ma-dehydrate, lalo na dyan at mainit.

  2. Penon 06 Feb 2007 at 7:01 pm

    oo nga, bachelorette din ako nun =P

  3. javyon 06 Feb 2007 at 11:15 pm

    nangugulo…

    kakaiba nga kung walang kanin.. kaya minsan pumupunta pa talaga kami sa mga pinoy resto.. a coupla miles away.. and i like noodles.. :p

    and i think i like the idea of cordial.. but i like my snapple too.. ^_^

  4. noemson 08 Feb 2007 at 11:19 am

    try grapefruit. suppose to help lose weight.

    anyhow, meron akong nadiscover na brand ng orange juice from thailand, TipCo. ingredients ay 100% orange juice from 4 diffrent kinds of oranges, and not from concentrate, no sugar, no preservatives… at with orange sac. mura lang versus florida brand. un nga lang one month na ata, wala pa rin bagong stock. sarap pa nman nun.

  5. Penon 19 Feb 2007 at 5:36 pm

    @javy: buti may pinoy resto ka nang alam. Wala pa din akong makita!

    @amor: nyahaha, nilalagay ko grapefruit sa salad. It’s nothing like Pomelo though =( But it’s alright. TipCo, Is it anything like Orangina? hanapin ko nga yan. I’ve learned to love OJ!

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply