Pinoy Abroad: Australia

penny February 3rd, 2007

Wow, malapit nang mag-isang taon mula nang mapanuod ko ang 3-week series tungkol sa Australia na feature sa GMA TV dokyumentaryo na Pinoy Abroad (March 2006). Nostalgic baga na nakita ko uli si Rhea Santos. Iniipon ko lang ang mga links dito.

Taronga Zoo, Sydney – nakita ko na yang mga hayop sa Taronga. Ok sana, kaso parang naka-droga sila. Masyado silang docile, bukod dun sa emu at peacock! (Upload ko ngapala yung video ko nung peacock tsaka giraffes next time) Di pa ko nakakita ng kangaroo na nagbboxing at naninipa.
Aussie Visa Information – Di ko napanuod to. Pero anyway, ayan may tips sila kung anong website ang pupuntahan para mag-apply ng visa. Whew, pagod ako sa pag-asikaso nyan.
Didgeridoo at Circular Quay – Kaaliw ito! Musical instrument ng mga aborigine na gawa sa eucalyptus tree. Colorful ng aboriginal art!

Nakakatuwa. Noong panahong yun ay hindi ko pa akalain na makukuha ko itong slot sa unibersidad. Sayang walang video clip na tuwang-tuwa ako nag-skydiving si Rhea, atsaka yung nilakad nila yung Harbor Bridge. Haha, gagawin ko din yan! (sige hanggang salita lang muna… hehe)

==============
Halika, biyahe tayo! Nakakamiss naman mamasyal sa Pilipinas.

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply