Lakas talaga ng sipa ng Red Horse
AJ Jorge December 31st, 2006
Ito ang tama talaga!
Kahapon, reunion ng angkan ng Jorge. Walang bumili ng San Mig Light, Red Horse na lang daw para mabilis. Ayun, mabilis nga. Wapak kaming apat. Oo. Apat lang kaming uminom ng kung ilang grandeng Red Horse.
Bangenge kami. Bigat ng ulo, pa-suray-suray na kung maglakad at syempre walang kamatayang videoke na lashing style. Solb.
Buti na lang at walang hang over tong Red Horse. Kagigising-gising ko lang ngayon at nag-online ako para maka-usap ko si Pen.
Yung pictures, tsaka na lang. Kukunin ko pa yung kopya ng kuha ko dun sa 350D nila Nandy at Cia.
Paunang Happy New Year sa inyong lahat!
- Family
- Comments(2)
hehe, someday susubukan ko din yang red horse =P matapos masubukan ang san mig. sikat pala si san mig sa germany, exotic beer daw sabi nila. sabi ko eh wala pang 1 dollar yan sa pilipinas! laglag panga ng mga loko hehe.
in fairness to san mig, hinahanap-hanap talaga ng foreigners ang lasa nun once nakatikim na sila.