Lab Dinner at Mojo’s (Bondi)
penny December 17th, 2006
Nung nakaraang Viernes, sa wakas ay nagkaroon ng panahon ang grupo na lumabas para kumain, parang huling hirit bago magPasko. Nagreserba kami ng puwesto sa isang Espaņol na kainan malapit sa isa sa mga sikat na beach, ang Bondi. Nakatutuwa naman at lahat ay nakarating! Eto ang ilan sa mga larawan namin noong gabing yun. The lab finally found time to go out to have dinner as a group, and we went to a Spanish restaurant near Bondi beach. Here are some pictures from last Friday.

hey nice pictures!
ganda ng suot nyo ni fabio, color coordinated kayo.
mag-uuniform na daw kami na kulay starting now hehe. lugi kasi yung ibang lab naka-lab coat.
[...] =================== SANGRIA. Yaong mga litrato sa nakaraan kong post, noong dinner ng lab namin noong Biyernes. Dahil nga sa wala kami masyadong panahon na makapagsama-sama ay nakakatuwa na sa wakas nagawa namin ito. Di ko pa yata naikuwento dito na nabigyan ako ng nickname ng mga batang yan. “Deep Sleep” daw. Kasi natsambahan ako ni Shamin na nakaidlip ako minsan sa isang talk nung nasa Bioninformatics Conference kami sa Darling Harbor. Pero ngayon eh gusto nya kong binyagan ng “Sangria”. Panay kasi ang buhos ni Mark sa baso ko ng sangria, ako naman eh inom lang ng inom. Di ko namalayan na andami ko nang nainom, masarap kasi at di ko pansin yung lasa ng alcohol. Alam ng nakakakilala sa akin eh hindi talaga ako sanay uminom ng maski anong alcohol, kaunti lang in any one time. Namula ang tenga ko at makikita mo na hirap na hirap ako manatiling nakadilat. Para akong nilalagnat. Pagtayo ko nun eh literally, halos ako ma-off balance! [...]
Uyyy, si Aj selos! Hehehe.
Relaks lang pre. sang pic ka selos, sa 8th to the last pic?