A month later.
penny October 7th, 2006
Isang buwan na pala ako dito. Parang antagal ko na dito pero parang kahapon rin lang ako dumating. Unti-unti na akong nagiging komportable, sa mga tao at sa lugar. Eto isang foto na kinuha unang linggo ko pa lang dito. Katatapos lang maginsayo ni Fabio ng kanyang talk para sa Florence. (Don’t I look edgy?)
![]()
Team Tanaka. From L-R: Mark, Hui Yee, Fabio, Renault (nakagradweyt na, di na yata sya mananatili), ako at si Checks. Not present in picture: Shamin.
Yup, iyan kami. Si Mark ang aking superbisor (nagsasabi kung may katuturan ang ginagawa ko) at si Fabio ang kaniyang postdoc (nagsasabi ng kung ano pa pwede kong gawin, taga-reklamo pag nagluluko mga machine). Mga studyante na kaming iba. Si Hui Yee ang taga-supply ng pagkain, si Checks ang taga-supply ng katatawanan, at si Shamin ang tagasara ng opisina (minsan ako, ginagabi kasi). Nakakatuwa dahil halos nagsisimula pa lang ang grupo, at (mejo) bata-bata pa ang mga tao. Naghahanap pa si Mark ng isang estudyante pero mukhang taga-Aus na ang hanap nya. Ubos na yata funding hehe.
Kamakailan ko lang nalaman na dito rin pala, sa school ko mismo hindi lang sa Uni, nagtapos ng PhD si Dr. de Ungria sa UP Diliman. Naalala ko sya na isa sa mga head ng laboratoryo doon, yaong mga nagsusuri ng forensic data mula sa DNA. Naghahanap kasi ako ng Pinoy wala pa din akong mahagilap, at ayun nakita ko yung info ni Dr. de Ungria sa iskul namin.
Hanggang ngayon wala pa akong nakikilalang Pinoy. At itong umaga lang, may bago uli kaming kasama dito sa bahay. Aleman na naman. Pero eto batang-bata pa, labingsiyam na taon gulang pa lang sya. Ang ngalan nya ay Hanna (Hannelova) at mula sa sa Munich. Aba’t kagagaling lang sa Oktoberfest.
Bukas papasyal kami ni Miriam sa Taronga Zoo. Sana makakuha ako ng mga magagandang foto.
======
A picture of the girls from three weeks ago. I took the picture, obviously.
![]()
From L-R: Petra, Karin, Julia, Totta and Nadia.
[...] Ok, now I am feeling the evolution of the lab. This is now generation TWO of the Tanaka group since I arrived in September of last year. [...]