Wala muna pictures, Floriade, paalam sa mga kaibigan, isyu ng tirahan
penny September 23rd, 2006
(Pen edits) Mejo pala mahaba, kaya click on the link to read more. ![]()
Hindi ko akalain pero in two weeks nawalan ako ng 5 kilos. Di naman ako nagddiet, pero naiba nga naman ang uri ng pagkaing kinakain ko. Kadalasan e fish, salad at sandwiches. Pero nakapagluto ako ng nilagang baka minsan (na 3 araw kong kinakain dahil andami kong naluto) at adobong manok (kakaiba nga ang lasa dahil apple cider vinegar ang ginamit ko para sa suka, at wala akong mahagilap na laurel- bay leaves kaya ibang seasoning ang nilagay ko) at nagsasaing ng kanin. Bumili si Carlota (Italyana) ng timbangan nuong isang araw dahil nuong nasa Barcelona sya ay bumigat daw sya ng sampung kilo. Nakigamit ako kanina at namangha ako sa aking nakita. Di naman ako kaunti kumain, sa totoo lang eh palagi akong busog. May bitbit ako lagi na sandwich at baon na salad. Pakiramdam ko nga ay nananaba ako. Sira siguro yung scale ni Carlota.
Sa pagmamadali ko kanina ay naiwan ko yung dalawang multimedia cards with the pictures i was supposed to upload today. Kaya wala munang pictures ngayon.
Sa susunod na linggo, mahaba ang weekend dahil Labor day ang October 2. Inanyayahan ako ni Joy sa Canberra para bumisita. Tatlong oras na biyahe by bus mula sa Sydney Central station ang Canberra. Floriade is running there now, at gusto ko makita kung anong klaseng mga bulaklak meron. I’m excited to take pictures!
Kahapon nga ay hinatid ko si Karin sa airport. Lungkot kasi para syang naging nanay ko dito nung nakaraang dalawang linggo. Si Petra naman alis din ngayon, at bukas si Julia. Pity na ang una kong naging mga kaibigan dito ay hindi mga taga-dito.
Ngayon ay naghahanap ako ng pwede kong malipatan na tirahan. Maayos naman ang tirahan ko ngayon; komportable at hindi ganun kamahalan. Nakaaaliw din na madami kang nakikilala na mga bisita. Pero may kalayuan ng kaunti; kung lalakarin e aabutin ng 35 minuto, at kung magbbus naman e may paghihintay ng mula 5 hanggang 10 minuto at biyahe ng mga 10 minuto din. Wala naman akong problema sa paglalakad, lalu na’t napakaaliwalas naman ng panahon at may pagkakataong magmasid ng paligid. Tahimik ang Randwick (ang suburb ko) at napakalapit sa dalawang paboritong beach dito… Bondi at Coogee beach. Big deal na malapit ka nakatira sa beach dito. Di nga nalalayo na may makakasabay kang ilang may bitbit na surfboard at madungis-dungis pa ng buhangin ang katawan sa bus.
So ayun na lang muna, madami pa akong ikukuwento pero madami pa din akong dapat gawin. Kung may panahon kayo na sumulat sa akin sa email eh magparamdam lang kayo. If you want me to send you a postcard email me your address!
Ciao for now.
- Day to day , Sydney
- Comments(7)










naks. instant diet.
oo nga eh, diet na hindi sinasadya
ganito pala pag nawala ka sa piling ng pinoy cooking, mapipilitan ka kumain ng “healthy” hehe. Pero nammiss ko na luto ni Inay.
Makapunta din kaya jan… Hehe. Dapat may legend ka dito. pix ng mga friends mo. kakalito e.
why do you have to transfer house so soon? sayang nman. hindi na ba babalik sina petra at iba mo pang housemates na nag-uuwian?
Sori no pics pa, mejo busy
Nope these guys went home to Germany, not coming back. I want to find a house closer to the University… pero nagdadalawang isip na ko kasi ang ganda eh hehe.
way to go Pen!
yey yey rarara!