Devil Jin

AJ Jorge June 13th, 2006

devil jinNakapag-marathon PS2 ako nung weekend.

Iba talaga pag tao kalaban mo at hindi computer, mas nakakaganang maglaro. Apat kaming nagpapalitan sa paglaro, basta palit talo ang usapan. Ang tagal namin sa VS Mode, hanggang sa lumabas na si Devil Jin. Sa tinagal-tagal ko na paglalaro ng Tekken, ngayon ko lang nagamit si Devil Jin. Astig din pala yun. Medyo nahirapan lang akong laruin kasi Steve at Hwoarang ang players ko. Pero sigurado pag nakabisado mo na ang moves ni normal Jin, makukuha mo rin si Devil Jin.

Itong mga pinsan ko, kahit na di nila ganong alam yung mga combo ng mga players, natatalo pa rin ako. Button smashing lang ang ginagawa nila. Madalas akong matalo kina Law at Christie. Buwisit naman kasi ang combo ng mga yun, walang block kapag naunahan ka na ng mga sidesweep kicks nila. Mula alas dos ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi kami naglaro. Tumigil lang kami dahil maghahapunan na. Pagkatapos nun, laro uli.

Tekken5, NBA Live ‘05 at Fight Night Round 2 ang mga pinagsasalitan namin na laro. Nakakamiss din talaga ang maglaro ng di nag-iisa. Dati cheerer ko si Pen pag naglalaro ako ng Prince of Persia o maski NFS series. Ngayon ako na lang mag-isa. Mukhang mapapadalas ang dayo ko sa mga pinsan ko para makapaglaro kalaban sila.

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply