Dog Flu

October 15th, 2005

Tamlay ni Chloe. She is having a first shot at being ill since last night; it’s nothing serious(the common kennel cough or house cough– essentially the same as sipon natin), but I’m still concerned since she’s barely 4 months old. I was half-expecting it to happen because Sasha caught it a couple of weeks ago. Sasha’s all better within 2 days (which is phenomenal, since kennel coughs last at least a week), and she’s back to her happy frolicky self. The other two adults are as sturdy as narra. Maski anong sakit dumapo sa ibang aso di yata tinatablan.

Anyhow, I’m still bringing her to the vet for her inoculations. GOod thing para makita sya ni doc.


She usually stares at the camera while you talk to her and take her picture.


When you put her on a leash (to go out to run on some afternoons and most nights) she makes silly antics like rolls across the ground barking at you.

She likes to stand/sit in front of the airfan. It’s funny how her ears flap against the wind too hehehe.

She’s annoyingly and dangerously becoming a chronic biter. She does it playfully, but it isn’t very pleasant for people who don’t particularly enjoy being salivated and bitten by dogs, no matter how friendly.

10 Responses to “Dog Flu”

  1. AJon 16 Oct 2005 at 12:35 pm

    aaaaw.. wawa naman si chloe. sad na nga yung eyes nya kahit wala siyang sakit. ngayon mas sad pa siya.

    She does it playfully, but it isn?t very pleasant for people who don?t particularly enjoy being salivated and bitten by dogs, no matter how friendly.

    ako ata ang tinutukoy mo dito. hehe
    ayaw ko lang talaga kinakagat-kagat ako ng aso. may di magandang experience kasi ako.

  2. anneon 16 Oct 2005 at 2:54 pm

    It’s nice Pen that you really love your pet dogs. :)

    Pero ako, di talaga mahilig. Para kasing nagka phobia ako nung muntik na ko makagat.
    Buti mahaba shorts ko. Ayun, punit punit shorts ko. :(

  3. penreyeson 17 Oct 2005 at 7:49 pm

    @anne: Muntik din ako makagat ng strange dog when i was 7 years old. Nalawayan na ako at kinagat tsinelas ko. Gagu kasi yung may-ari ng aso, nakakawala lang sa kalye. Ok lang yun kung babantayan mo yung aso. Proteksyon din sa ‘pet’ mo yun na huwag basta-bastang pabayaang makalabas ng kalye.. andami kayang sakit outdoors.

    Kapatid ko nga nakagat pa talaga sa *bleep* hehe. Pero mas mahilig pa sa aso sa akin yun. Aso pa namin yung kumagat sa kanya kasi nakikipag-unahan sa pagsalubong sa nanay ko galing palengke.
    mwahaha. Kinuwento daw ba kapatid hehe

    @aj: di lang naman ikaw. si Mama din ayaw ng kinakagat sya. ayos lang ako maski makalmot kaya puro gasgas na din braso’t legs ko eh.

  4. anneon 18 Oct 2005 at 12:15 pm

    talaga? naku. nakagat sa ___? ok naman na sya? i mean… hehe. :d

    pag usapan daw ba natin talaga kapatid mo? hehe. baka magalit yun.

  5. penon 18 Oct 2005 at 2:11 pm

    naku nga, dapat sinabi ko na lang ng diretso. nakagat sya sa puwitan :P baka kung ano inisip mo hahah *peace* k lang yun.

  6. Celesteon 20 Oct 2005 at 1:17 am

    Pen, super cute ni Chloe. Ang laki-laki nya na. Medyo super mixed na sha nung Lab at ng Basset Hound pero mas kamukha nya yung Lab. I hope ok lang si Chloe at sana hindi talaga serious. Ang cute nya! Pwedeng pakurot na lang, hehehe.

    Btw, my sister brought Bruno (Chloe’s sister) to the vet 2 weeks ago. He had his rabies shot, vaccinations and deworming. Mabigat na rin ang aming Bruno. Gusto ko na ngang pa-ship dito eh.

    Bad nga yung playful biting na yan though yung Mini Pin namin, gustong gustong gawin sa kamay ko. Nanggigigil. Well, ok lang naman yung MiniPin pero wag yung Labrador at yung Basset Hound kasi medyo ang lalaki ng mga ngipin nila noh.

    Yung Lab din namin, mahilig sa electric fan. Ang ginagawa nya pa minsan, yung inuman nya ng water, itatapon nya yung laman tapos dun sha hihiga sa basa. Kainis!

  7. AJon 20 Oct 2005 at 8:23 am

    ako naaaliw sa mata nya. parati syang sad face.

  8. penon 20 Oct 2005 at 3:02 pm

    Anawnsment: Magaling na si Chloe, 2 days ago pa, pero ngayon lang talaga sobrang back to her old self. Sabi nga ni Papa “ang kulit mo na naman babae ka” hahaha.

    @cel: kala ko Bruno is male :P oo nga, makinis ang mukha ni Chloe kaya muhka syang Lab more than Basset. Pahingi naman ngapala ako ng pics ng parents nya :) At aba! May pinagmanahan pala ang pagtapon ng tubig. Ginagawa din yan ni Chloe!! As in! She drinks a lot (and hence, dami wiwi hehe) and kapag bored siguro sya, gusto nya ng action, kakalabitin nya hanggang matapon. Hinihigaan nya din yung basa. hahaha. Nasa genes yata ah. And if her milk or food is still too warm for her liking, aba, kinakalabit din at itatapon!

    Mabuti sana kung sya lang ang makulit, naku, makulit din si Sasha at si Sam. Nikki seems to have matured bigla, kasi sya na yung oldest sa dogs, palakad-lakad yan talagang nagbabantay at parang pinapagalitan yung makukulit na younger doggies hahaha. Nakakatawa sila.

  9. Celesteon 23 Oct 2005 at 5:43 pm

    Ngek, sorry. Boy si Bruno. Nalagay ko pala Chloe’s sister. Chloe’s brother dapat.

    Grabe, parehong ugali sila ng Tatay nya. Yung Basset hound at yung Lab, parehong malakas uminum ng tubig pero mas malakas yung Basset. As in! Gusto pa nun, malamig na tubig, yung galing dun sa water dispenser. Yung Lab, gusto rin, parating me action. Kaya maglilikot para me action tapos papansinin mo na sha kasi either me sinira na sha or me tinapon na sha. Asar na asar nga ang tatay ko eh.

  10. penon 24 Oct 2005 at 6:16 pm

    Shucks, anlakas pala ng pagacquire ng similar traits sa parents. Eto din, takaw atensyon lang kapag wreaking havoc. yung wooden shelf na isa, ginawang rawhide!! pero pag nakatingin sa kanya, hindi naman nya gagawin, yung toys nya ang lalaruin. At pareho din, malamig na tubig ang gusto nito. binibigyan ko nga ng yelo kapag sobrang mainit. lick nya yun hanggang maubos.

    KSP ng dogs natin!! hehehe. Sasabihin din ng mama ko wag na daw namin pansinin muna, pero sya pa mauunang dadampot dyan kapag di nakatiis hehe.

    Lapit na sila mag 4 months! tapos na nga din pala shots nya. boosters na lang… :)

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply