Indie Bands

AJ Jorge October 14th, 2005

Sabi ni Pen nung inabot ko sa kanya yung cd ng mp3s na may tatak na Indie, “Ano ‘to, Indiana Jones?”. Hehe.

Nawiwili kasi akong makinig ngayon sa mga independent local bands. Na-impluwensiyahan ako nitong officemate ko na dating gitarista ng Narda. Astig ding makinig ng mga bagong tugtugin na hindi alam ng iba.

Ngayon, pinakikinggan ko ay:

  1. Itchyworms
  2. Kiko Machine
  3. Narda
  4. Orange & Lemons
  5. Sugarfree
  6. Twisted Halo
  7. Pedicab
  8. Brownman Revival
  9. Surfernando

Maganda yung Itchyworms. Kaka-release lang nila ng 2nd album nila kahapon. Concept album na ang theme ay Noon Time Show. Yung Kiko Machine may tamang PnE - hilarious lyrics at maganda rin ang tunog. Kung bibili rin lang ako ng mga original CDs, mga ganitong klase ang bibilhin ko. Hirap din kasi ang inaabot ng mga independent bands sa pag-produce ng albums nila.

Suportahan ang sariling atin. Lalo na ang mga aspiring bands natin.

5 Responses to “Indie Bands”

  1. anneon 14 Oct 2005 at 12:04 pm

    gusto ko brownman, sugarfree and orange & lemons. tama ka, dapat silang suportahan. ;)

  2. AJon 14 Oct 2005 at 12:21 pm

    yung kanta ng orange & lemons sa pinoy big brother sabi ay ripoff ng isang new wave na kanta.

    pakinggan nyo dito yung original: http://media.putfile.com/TheCare-Chandeliers/original

    nonetheless, gusto ko pa rin sila. maganda yung carrier single nila na Heaven Knows (this angel has flown) at Hanggang Kailan.

  3. jieon 14 Oct 2005 at 12:38 pm

    Abt “pinoy ako” - nakakahiya no.
    pinoy ako pa mandin ang title tapos walang originality.
    parang reflection ng pinoy. hehehe.:d

  4. anneon 14 Oct 2005 at 5:35 pm

    nak ng… oo nga no? parang turn off ata ako dun. sige, “hanggang kailan” na lang ang sa top list ko. dapat pinoy ako e.
    :d

  5. penon 15 Oct 2005 at 6:52 am

    “I named the dog Indiana” - Henry Jones, Sr.

    haha. Kasi yung ibang discs mo FF character names. I thought Indie was a character name too since you were naming our discs that way =P

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply